Biyernes, Nobyembre 25, 2011

Benigno Aquino, Jr.

Benigno S. Aquino, Jr.
image:Benigno Aquino.jpg
Kasalukuyang Nanunungkulan
Panahon ng Panunungkulan
Disyembre 30, 1967 - Setyembre 23, 1972
Kapanganakan Nobyembre 27, 1932
Concepcion, Tarlac, Pilipinas
Kamatayan Agosto 21 1983 (aged 50)
Paliparang Pandaigdig ng Maynila, Lungsod ng Parañaque, Kalakhang Maynila, Pilipinas
Asawa Corazon Aquino

Si Benigno Simeon Aquino, Jr., mas kilala bilang Ninoy Aquino o Benigno S. Aquino, Jr., ay isang Pilipinong senador na naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Pinatay siya sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila (na matapos ay ipinangalang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino bilang parangal sa kanya) pagkauwi niya mula sa Estados Unidos, kung saan siya ipinatapon. Ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagka-Pangulo ng kanyang maybahay, si Corazon Aquino, na pumalit sa 20-taong rehimeng Marcos. Ayon sa mga testigo, ang mga sundalong nag hatid sa kanya pababa ng eroplano ay may mga kinalaman sa kanyang pagkamatay. May mahigit dalawang milyon na sumama sa prusisyon para ihatid si Aquino sa kanyang huling hantungan. Ang mga naging sangkot sa kanyang pagkamatay ay napalaya na noong 2007 na tinutulan naman ng kanyang anak na si Noynoy Aquino. At siya ay isa rin sa mga bayani ng Pilipinas. Ang kanyang bantayog ay makikita sa Lungsod ng Makati.
Si Ninoy ay ipinanganak noong ika-27 ng Nobyembre, 1932. Siya ay anak ng dating Assemblyman Benigno S. Aquino, Sr. at Aurora Aquino-Aquino ng Tarlac. Si Ninoy ay 17 taong gulang lamang ng matanyag sa pagiging isang korespondent ng digmaan sa Korea. Naging pinakabatang nahalal na punong-bayan sa Concepcion, Tarlac. Siya rin ay naging katidong teknikal ng mga pangulong sina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia. Noong panahon ng panunungkulan ni Diosdado Macapagal si Ninoy ay umanib sa Partido Liberal. Siya ang naging pangkalahatang kalihim ng partido na naging daan upang siya ay mahalal na pinakabatang senador noong 1967.
Nang ideklara ang Batas Militar (Martial Law), si Ninoy ay dinakip at nakulong ng maraming taon. Siya ay nagkaroon ng sakit sa puso at pinahintulutan naman na maoperahan sa Estados Unidos. Dahil sa pagnanasang maglingkod sa bayan at sambayanang Pilipino, bumalik si Ninoy sa Pilipinas. Subalit sa kanyang pagbabalik ay hindi na niya naisakatuparan ang kanyang mga adhikain sapagkat pagtuntong pa lang niya sa paliparan ng MIA, siya ay binaril at nalugmok sa Tarmac. Ang kanyang pagkamatay noong Agosto 21, 1983 ang siyang nagmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng taong-bayan.
Nag-alsa ang milyung-milyong Pilipino at ito ay tinaguriang "People Power." Napatalsik ang dating Pangulong Ferdinand Marcos at iniluklok ang maybahay ni Ninoy na si Corazon Aquino bilang pangulo ng bansa.

Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

"There is no remedy for love but to love more."
~ Thoreau

Lunes, Nobyembre 21, 2011

Sandugo Festival

Sandugo Festival

Assignment ko sa Filipino 20 ( Mga Pagdiriwang sa Pilipinas


Maraming pagdiriwang sa loob ng isang taon. Ang mga pagdiriwang sa Pilipinas ay mga pambansang pagdiriwang, mga pansibikong pagdiriwang at mga pagdiriwang na panrelihiyon.  
Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong napakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong pambansang pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina at paaralan ang mga pambasang pagdiriwang.

Bagong Taon
Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.
Araw ng Rebolusyong EDSA
Makaysaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame. Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itong Rebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong People's Power Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero. 


Araw ng Kagitingan
Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan tuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisa laban sa mga dayuhan.
Araw ng Mangagawa
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain araw-araw, maayos na tirahan, iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.
Timaura ni Antipas Delotavo, 1991

Araw ng Kalayaan
 Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula sa España. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani. Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park. Marami pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito. Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito. 
Imaginary Patriot ni Benedicto Cabrera, 1975
Araw ng mga Bayani
Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang mga Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mga palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at kapakanan ng bansa. 


May iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang mga pansibikong pagdiriwang. Isinasagawa ang mga ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Ipinakikita rito ang mga katangian at ilang kaugalian ng mga Pilipino. Di tulad ng mga pambansang pagdiriwang na idinideklarang pista opisyal, ang mga pangsibikong pagdiriwang ay karaniwang idinaraos nang may pasok din sa opisina at paaralan sa buong bansa. Gayunman, may ilang lugar na nagdedeklarang walang pasok gaya ng Lungsod Quezon kapag nagdiriwang ng pakakatatag nito tuwing Agosto 19.

Araw ng mga Puso
Tuwing ika-14 ng Pebrero ito. Ipinakikita natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano natin sila inaalala. Ipinakikita rin natin ang kahalagahan nila. Marami tayong ginagawang paraan upang ipakita ang ating pagmamahal. Nagkakaisa tayo sa pagdaraos ng pagdiriwang na ito. Nagbibigayn tao ng kard o anumang alaala sa araw na ito.

Linggo ng Pag-iwas sa Sunog
Ipinagdiriwang ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa buwan ng Mayo. Binibigyang-diin ang mga paraan kung paano tayo mag-iingat sa sunog. Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa sunog. Natututuhan pa natin ang nararapat na gagawin kung may sunog. Kapag may sunog sa ating lugar, nagtutulungan tayo upang mapatay ito. May mga programa pa ang mga barangay na nagpapakita ng mga paraan ng pag-iwas sa sunog.

Araw ng mga Ina/mga Ama
Mga pagdiriwang na pansibiko ang Araw ng mga Ina at Araw ng mga Ama. Tuwing ikalawang Linggo ng Mayo ang pagdiriwang para sa mga ina at tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo ang sa mga ama. Ginugunita natin sa mga araw na ito ang kabutihan ng ating ina at ama.

Linggo ng Wika
Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga patimpalak sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino. Karaniwang ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal sa ating wika. Pinahahalagahan at pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa paggamit ng Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan.
Araw ng mga Nagkakaisang Bansa
Pagsapit naman ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw ng mga Nagkakaisang Bansa. Ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang ang pakikipagkaibigan natin sa iba't ibang bansa sa buong mundo. Pagkakabuklud-buklod ang simbolo nito. Ang Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa ang nagbubuklod upang lubos na magkaunawaan at magkaisa ang mga bansa. Pagtutulungan ang isa pang layon nito. May mga palatuntunan din inihahanda rito. Hindi lamang sa paaralan kundi pati na sa telebisyon at radyo.

Linggo ng Mag-anak
Ito ang araw na ginugunita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng mag-anak at ang pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat kasapi nito.

Araw ng mga Guro
Iba-iba ang buwan ng pagdiriwang  nito. Dito naman pinahahalagahan ang kabutihan ginagawa sa atin ng mga guro.
Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod Quezon
Ginugunita rin ng mga Pilipino ang kanilang lungsod o bayan. Nagkakaiba-iba ng lamang ito ng petsa ayon sa bayani o natatanging Pilipinong ginugunita. Tuwing Hunyo 24 ang Araw ng Maynila. Ika -19 naman ng Agosto ang Araw ng Lungsod Quezon.
Balik sa simula
Marami pagdiriwang na panrelihiyon sa Pilipinas. Isinasagawa rin ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Makikita rito ang mga kaugalian at katangiang Pilipino
Pasko
Mahalaga para sa mga kapatid nating Kristiyano ang pagdiriwang ng Kapaskuhan tuwing ika-25 ng Disyembre. Araw ito ng paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang Anak ng Diyos ng mga Kristiyano. Misa de gallo o simbang-gabi ang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre. Ang misa de gallo ang magkakasunod na siyam na simbang-gabi hanggang sumapit ang araw ng Pasko. Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang nito. Marami ang dumadalo sa misang ito. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak dito.
Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin tuwing sasapit ang Pasko. Isang araw rin ito para sa mga mahal sa buhay - mga kamag-anak at mga kaibigan - at pati na rin ng mga kaaway. Kailangang maghatid ang bawat Kristiyanong Pilipino ng kapayapaan hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Kung kaya't dapat tandaan na ang mensahe ng Pasko ay pagmamahal at kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng mga mag-anak. Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng reunion ang mga kasapi ng mag-anak.
Isa pang napakagandang pagdiriwang kung Pasko ang parada ng makukulay at maiilaw na parol na yari sa San Fernando, Pampanga. Dinarayo ng mga turista ang paradang ito.

Ati-atihan
Ito ay pagdiriwang sa Kalibo, Aklan. Tatlong araw ito ng pag-awit at pagsayaw sa mga daan. Nagpaphid ng uling o anumang itim na pangkulay sa buong katawan ang mga sumasali sa parada. Nagsusuot pa sila ng makukulay na kasuotan habang nagsasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol sa kalsada. Hawak ang imahen ng Santo Niño ng isang ati habang sumsayaw. Sumisigaw naman ng "viva" ang iba sa kanilang pagsasayaw. "Mahabang buhay' ang kahulugan ng salitang viva.


Mahal na Araw
Isang napakahalaga at natatanging tradisyon ito ng mga Katolikong Pilipino. Nagkakaisa ang ito sa pagdaraos nito. Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo, kapilya, at pati na sa mga tahanan na ikinukuwento ang buhay ni Cristo. Penitensiya naman ang tawag sa ginagawa ng mga Pilipinong nagpapasakit o namamanata tuwing Mahal na Araw, Kanilang pinahihirapan at pinarurusahan ang sarili sa pagdadala ng krus o pagpalo at pagsugat sa kanilang mga katawan. Isang prusisyon ng mga rebulto ni Cristo at iba pang santo ang inilalakad sa mga pangunahing daan ng baryo o bayan tuwing Biyernes Santo. Maingay at masayang naririnig ang kampana ng lahat ng simbahan tuwing Linggo ng Pagkabuhay upang ipabando o ipahayag ang muling pagkabuhay ng ating Panginoon.
May isa pang gawaing isinasagawa tuwing Mahal na Araw. Ito ang Moriones ng Marinduque. Isang makulay na kaugalian pang-Mahal na Araw ito. Nagsusuot ng damit ng mga Romanong sundalo at makukulay na maskara ang mga namamanata.


may2.gif (51916 bytes)Pahiyas
Isang tradisyon din ito. Pinararangalan dito ang santo ng mga magsasaka na si San Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong pagkain sa pintuan at mga bintana ng kanilang bahay. wpe13.jpg (32201 bytes)
Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro ang pagbasbas sa mga kalabaw. Ipinaparada ng mga magsasaka ang kani-kanilang mga kalabaw patungo sa simbahan upang mabasbasan ng pari. Naniniwala sila na malalayo sila at ang kanilang mga kalabaw sa mga sakit at aksidente sa pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo.

Santakrusan
Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang prusisyon ito na nagpapakita at isinasadula ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus. Maraming naggagandahang kababaihan sa prusisyong ito na kumakatawan kay Birheng Maria at iba pang mga babaing tauhan sa Bibliya at mga akadang kaugnay nito.

Pista ng Peñafrancia
Isang kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur sa rehiyon ng Bicol. Isang prusisyon sa ilog ng mapagmilagrong imahen ng Birhen ng Peñafrancia ang dinarayo sa pagdiriwang na ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa Ilog ng Naga at kalalakihan lamang ang lumalahok. Magandang nilagyan ng palamuti ang trono ng birhen na nasa isang kasko. 


Araw ng mga Patay o Todos los Santos
Ipinagdiriwang ito tuwing unang araw ng Nobyembre. Ginugunita at pinararangalan ang mga namatay na kamag-anak sa araw na ito. Karaniwang nagtutungo ang mga Pilipino sa sementeryo upang magsindi ng mga kandila, mag-alay ng mga bulaklak at pagkain, at magdasal para sa namatay na mga mahal sa buhay. Nagkakaisa rin ang mga Pilipino sa pagsasagawa ng mga kaugaliang ito.

Ramadan
Isang buwang pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na Muslim sa Timog tuwing Marso hanggang Abril. Sama-sama at nagkakaisa rin sila sa pagdiriwang ng okasyong ito. Mahalagang pagdiriwang ito sa kanila. Idinaraos ang kaugalian at tradisyong ito ng mga tagasunod ng Islam sa buong mundo. Nagsusuot ng mahabang belo sa kanilang mukha ang mga babaing Muslim kapag nagtutungo sila sa kanilang mosque. Nangingilin or nag-aayuno ang lahat ng mga Muslim sa mga pagdiriwang na tulad nito. Nagdarasal sila kay Allah na kanilang Panginoon. Ginugunita nila ang pakakahayag o rebelasyon ng Koran kay Mohammmed, ang propeta ng Islam. Nagbabasa pa sila ng Koran. Ang Koran ay banal na aklat ng mga Muslim.

Hari Raya Puasa
Pagkatapos ng Ramadan, ipinagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim ang Hari Raya Puasa. Isa itong pasasalamat nila. Nagsisimula at ginigising sila ng malalakas na ingay ng mga tambol. Agad silang nagbibihis ng kanilang magagarang kasuotan at nagtutungo sa mosque. Nagdarasal sila ng isang oras. Imam ang tawag sa kanilang pari.
Mula sa Librong Bayanihan 2 ni Priscila B. Dizon
Maikling Pagsasanay:
A. Sabihin kung ano ang inilalarawang pagdiriwang:
1. Ito ang pinakamahalagang pagdiriwang ng mga Muslim.
2. Ipinaparada ng magbubukid ang kanilang mga kalabaw sa daan patungo sa simbahan.
3. Magagandang dalaga ang mga kasapi sa prusisyong ito.
4. Nakasuot ng sundalong Romano ang mga namamantang kalalakihan sa pagdiriwang na ito sa Marinduque.
5. Isang makulay na pagdiriwang ito kung saan nagsasayaw at umaawit sa daan ang mga kasapi.
B. Sabihin kung kailan ipinagdiriwang ang mga sumusunod na okasyon:
1. Linggo ng Wika
2. Araw ng Maynila
3. Araw ng Kagitingan
4. Araw ng mga Bayani
5. Pista ng Peñafrancia

Linggo, Nobyembre 20, 2011

Mga Palaisipan (Bugtong)

Compiled by Laura B. Corpuz, laurabc@bumail.bradley.edu, from High School and College Notes (1956 - 1966) with more riddles from the References listed at the bottom of the page. Some of these riddles were translated from many dialects into our national language, Filipino, for rhyming and better understanding purposes.
Many of our old folks never allowed us to say riddles except during wake time and only if the riddles were "homework." My cousins and I oftentimes would use "homework" as an excuse for reciting riddles. Some of these riddles may sound familiar, however, there are a few that are hardly heard of because of their antiquity. When I was still young, the riddles almost always started like this- "Marunong ka man at maalam, angkan ka ng mga paham, turan mo." ("You may be wise and intelligent, belonging to a learned ancestry, name it.") Well, let's have a little brain exercise. (Note: These riddles may have been heard, said, or written in a different way, but they express the same ideas.)
Hayop, Isda, at Insekto
1. Anong nilalang ng Diyos ang may karne sa tuktok?
2. Naka-kapa ay hindi naman pari
Naka-korona ay hindi naman hari.
3. Minahal at inalagaan saka dinala sa labanan.
4. Heto na si bayaw, dala-dala’y ilaw.
5. Anong nilalang ng Diyos na laylay ang ulo kung matulog?
6. Mayuong siyam na ibon; binaril ko ang lima. Ilan ang natira?
7. Nang munti pa ay may buntot nang lumaki ay napugot.
8. May ulo’y walang buhok may tiyan walang pusod.
9. Heto na si Kaka sunung-sunong ang dampa.
10. Anong orasan ang hindi sinususian?
11. May alaga akong hayop malaki pa ang ulo kaysa tuhod.
12. Nakatira sa gubat hindi mahawakan sa balikat.
13. Baston ni San Juan ang katawan ay malubay.
14. Anong nilalang ng Diyos na bukas ang mata kung matulog?
~~
Sagot: 1) tandang, 2) tandang, 3) tandang, 4) alitaptap, 5) paniki, 6) lima, lumipad ang apat, 7) palaka, 8) palaka, 9) ahas, 9) pagong, 10) manok/tandang, 11) tutubi, 12) ahas, 13) ahas, 14) ahas

Halaman, Prutas at Pagkain
1. Tatlong bundok ang naraanan bago narating ang karagatan.
2. Isang unggoy nakaupo sa lusong.
3. Nagsaing si Betong nasa ibabaw ang gatong.
4. Bahay ni Impong Huli haligi’y bali-bali.
5. Bahay ni Santa Maria punung puno ng bala.
6. Bahay ni Nana Bita punung puno ng paminta.
7. Bahay ni Santa Ana napapaligiran ng espada.
8. Isang magandang dalaga hindi mabilang ang mata.
9. Anong bagay ang natutunaw pagbalik sa pinanggalingan?
10. Bibingka ng hari, hindi mahati-hati.
11. Ang manok kong pute nagtalon sa pusale.
12. Nanganak ang aswang aa tuktok nagdaan.
13. Isda ko sa sapa-sapa sapin-sapin ang taba
14. Bumili akong ng isang bagay upang aking pakinabangan
Ang nangyari pagdating sa bahay luha ko’y hindi mapigilan.
15. Baboy ko sa pulo-pulo balahibo ay pako.
16. Tiningnan nang tiningnan bago ito nginitian.
17. Ang bulaklak ay parang sanga ang sanga ay naging bunga.
18. Magandang kahon ng hari nabuksan ay hindi maisauli.
19. Kung ako’y mamahalin mo makasasama ako sa iyo.
20. Halamang hindi namumulaklak marami ang dahon wala namang prutas.
21. Nang munti pa ay may tapis nang lumaki ay nabulislis.
22. Bunga na ay namumunga pa.
23. Hindi prinsesa, hindi reyna; bakit may korona?
24. Bahay ni Adan walang bintana, walang hagdan.
25. Tinaga nang tinaga ngunit walang makitang gatla.
26. Nanganak ang Birhen, itinapon ang lampin.
27. Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig,
dahon ay makikitid, bunga ay matutulis.
28. Sinampal muna bago inalok.
29. Dalagang nakakorona, napaligiran ng mata.
30. Langit ang paligid ang gitna ay tubig.
31. Tubig sa ining-ining hindi mahipan ng hangin.
32. Ang ina’y gumagapang na, ang anak ay nauupo na.
33. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.
34. May palda na at may tapi, lagi pa ring bulislis.
35. Hindi tao, hindi hayop, pilos ang damit nito.
36. Nang hinawakan ay namatay, nang iniwanan ay nabuhay .
37. Nang maala-ala y naiwan, nadala nang malimutan.
38. Anong nilalang ni Bathala na nabubuhay sa bahay ng walang bintana?
~~
Sagot: pagbiyak ng niyog, 2) kasoy, 3) bibingka, 4) alimango, 5) papaya, 6) papaya, 7) pinya, 8) pinya, 9) asin, 10) tubig, 11) hugas bigas, 12) saging,13) saha ng saging, 14) sibuyas, 15) langka, 16) mais, 17) mais, 18) itlog, 19) alak, 20) kawayan, 21) kawayan, 22) bunga) 23) bayabas, 24) itlog, 25) tubig, 26) saging, 27) palay, 28) sampalok, 29) pinya, 30) niyog, 31) tubig ng niyog, 32) kalabasa, 33) kasoy, 34) mais, 35) mabolo, 36) damong makahiya, 37) damong makahiya, 38) itlog na balot

Bahagi ng Katawan
1. May dalawa akong kahon, nabubuksan na walang ugong.
2. Dalawang batong maitim, malayo ang nararating.
3. Dalawang magkaibigan, sabay nagbukas ng tindahan.
4. Nakikita ang iba, ngunit hindi ang sarili niya.
5. Dalawang balahibuhin, nakatutuwang pagdikitin.
6. Malaon nang patay, hindi mailibing dahil buhay pa ang kapitbahay.
7. Putol ka nang putol, hindi naman malipol.
8. Dalawang malalim na balon, hindi mo naman malingon.
9. Hawakan mo’t naririto, hanapin mo’t wala ito.
10. May magkakapatid na sampu, puro puti ang kanilang panyo.
11. May dalawang magkaibigan, nagpunta sa aming bayan
Ang likod ay nasa harapan, ang tiyan ay nasa likuran.
12. Napapaligiran na ng bakod, ito pa rin ay labas masok.
13. Hindi makita ng nagbukas, ang kaharap ang nakamalas.
14. Dalawang balong malalim, hindi maabot ng tingin.
15. Tubo sa punso wala namang buko.
16. Isang balong malalim tinutubuan ng garing.
17. Ang bintana ay pito, naisasara lamang ay tatlo.
18. May sampung prinsesa kakalahati ang korona.
~~
Sagot: 1) mata, 2) mata, 3) mata, 4) mata, 5) mata at pilikmata, 6) bulag ang isang mata, 7) buhok, 8) tainga, 9) tainga, 10) daliri, 11) binti, 12) dila, 13) ngipin, 14) tainga, 15) tumutubong buhok, 16) bunganga, 17) mukha, 18) sampung daliri

Iba’t Ibang Bagay

1. Takot ako sa isa, matapang sa dalawa.
2. Naligo ang kapitan, hindi nabasa ang tiyan.
3. Anong gawa ng Diyos, ang lumalakad sa kanyang likod.
4. Bahay na lalang ni Bathala, punung puno ng bintana.
5. Kung bayaan mo akong mamatay, hahaba ang aking buhay.
Kung bayaan mo akong mabuhay, madali akong mamamatay.
6. Isang mataas na kahoy, maliwanag ang dahon.
7. Dalawang ibong pipit, nagtitimbangan sa siit.
8. Nang matuyo ang sapa, namatay ang palaka.
9. Kalabasa ng Bulakenya, abot sa Maynila ang baging at sanga.
10. Takbo siya nang takbo, hindi makalayo sa lugar nito.
11. Aso kong lumundag ng pitong balon
Lumukso pa ng pitong gubat bago nakarating sa dagat.
12. Kung hindi sa tatlong letra (t,o,s) makakain natin ito sana.
13. Tatlong kaluluwa, init ang nadarama.
14. Kung itulak mo ay kubol, kung hilahin mo ay tungkod.
15. Hawakan mo ang buntot ko at sisisid ako.
16. Nang ibaba ko ay tuyo, nang hilahin ko’y tumutulo.
17. Tinitingnan ko siya, ako’y tinitingnan niya
Nagtitinginan kaming dalawa.
18. Nakatingin ako sa kaniya; ako’y tinitingnan din niya
Pagtawa ko’y tumatawa rin siya.
19. Mayruon akong kaibigan kasama ko kahit saan.
20. Dala ko siya, dala niya ako, nagdadalahan kaming dalawa.
21. Dalawang barko, iisa ang pasahero.
22. Hayop ang ulo, ang buntot ay tao.
23. Kinaskas nang kinaskas maputi ang lumabas.
24. Bahay ni nana Gunding, butas-butas ang dinding.
25. Ang nagpagawa ay umiiyak, bali wala sa ilalagak.
26. Habang iyong binabawasan, lalung lumalaki ang kabilugan.
27. Tatlong pari sa probinsya, ‘di makapagmisa kung wala ang isa.
28. May tatlong babaeng nagsimba
Berde ang suot ng isa; puti naman ang pangalawa
Ang pantatlo'y may suot na pula
Lumabas sa simbahan matapos ang misa
Ang tatlong babae ay lahat nakapula.
29. Ang salita niya ay malinaw subalit hindi maunawaan
Tingnan mo ang mukha niya't sinsabi'y malalaman.
30. Nabubuhay kung hawakan, namamatay kung bitawan.
31. Lumalakad na walang paa; maingay paglapit niya.
32. Hindi hayop, hindi tao; apat ang suso.
33. Dala niya'y karneng patay ang hanap ay karneng buhay.
34. Anong kabayo ang hindi tumatakbo?
~~
Sagot: 1) tulay na kawayan, 2) bangka, 3) bangka, 4) bahay ng manok, 5 kandila, 6) kandila, 7) hikaw, 8) langis na ilaw, 9) kalsada, 10) duyan, 11) sungka, 12) asintos, 13) tungko ng kalan, 14) paying, 15) sandok, 16) tabo,17) salamin, 18) salamin, 19) anino, 20) bakya, sapatos, tsinelas, 21) bakya, sapatos, tsinelas, 22) arao, 23) gilingan/kiskisan, 24) buslo, 25) ataol, 26, ) butas, 27) tungko ng kalan, 28) nganga ng matanda, 29) relo, 30) lapis/pluma, 31) alon, 32) basket na kwadrado, 33) bingwit, 34) palantsahan

Tao, Relihiyon, Simbahan, at Agham

1. Ano ang pinakamatamis sa matamis?
2. Nagtanin ako ng dayap sa gitna ng dagat, marami ang humanap iisa ang nagkapalad.
3. Pinonggos ko nang pinonggos, pinaluwag naman ng Diyos.
4. May 59 akong baka, isa lang ang tali nila.
5. Tatlo and botones, apat ang ohales.
6. Kahit ako’y iyong titigan hindi mo pa rin ako matatanaw.
7. Letrang “C” naging “O” Letrang “O” naging “C.”
8. Naghasik ako ng mais pag-umagay napapalis.
9. Sa liwanag ay hindi mo makita sa dilim ay maliwanag sila.
10. Palda ni Santa Maria ang kulay ay iba-iba.
11. Sa minsang kumindat natatakot ang lahat.
12. Kaisa-isang plato, kita sa buong mundo.
13. Tinuktok ko ang bangka, nagsilapit ang mga isda.
14. Hinila ko ang bagting, nagkakara ang matsing.
15. Anong bahagi ng katawan ang banal?
~~
Sagot: 1) pag-ibig, 2) dalaga, 3) panganganak, 4) rosaryong dasalan, 5) Kristo, 6) sinag ng araw, 7) buwan, 8) bituin, 9) bituin, 10) bahaghari, 11) kidlat, 12) buwan, 13) kampana, 14) kampana
15) kaliwang balikat kung English, kanan kung Tagalog/Filipino - Nag-aantanda ng Santa Krus

Biyernes, Nobyembre 18, 2011

ANG MGA KAPAMPANGAN AT ANG KANILANG PANITIKAN WIKA


Ang tawag sa wikang sinasalita ng mga Kapampangan ay “Pampango” o “Kapampangan”. Ito ay miyembro ng Wikang Malayo-Polynesia . Noong 1571, napag-alaman ng mga Español na ang palapantigan ng wikang ito ay maaring iugat sa wikang Devangari . Ito ay may sariling ortograpiya at alpabeto. Kapansin-pansin sa alpabetong ito ang kawalan ng titik “h”. Noong 1896, nailimbag ang isang aklat tungkol sa Kapampangang alpabeto sa pamagat na “Alfabeto Pampango” na isinulat ni Alvaro de Benavante.  Sa kasalukuyan, karamihan ng mga taong nagsasalita ng Kapampangan ay nakatira sa mga lalawigan ng Pampanga at Tarlac subalit mayroon din naman sa ilang bahagi ng Zambales at Bataan .

BAGO ANG PANANAKOP
Bago pa man dumating ang mga Español sa Pampanga, mayroon ng umiiral na sistema ng pamamahala dito. Ayon kay H. Otley Beyer, ang pamayanang nanirahan sa lupain ng Pampanga ay nagmula pa sa Emperyong Madjapahit na namayagpag noong 300-200 B.K. (Bago kay Kristo) . Sa katunayan, nakalilikha na ng sobrang pang-agrikulturang produkto o “surplus” ang sistemang ito na nagdulot upang magkaroon sila ng pakikipagkalakalan sa iba pang grupo ng tao. Tulad ng maraming grupo ng tao sa bansa, ang mga tao sa Pampanga ay karaniwang naninirahan malapit sa ilog. Dahil dito, ang kanilang pangunahing kabuhayan ay pangingisda na karaniwan nilang ginagawa sa pamamagitan ng paggawa ng mga patibong at pagtatayo ng mga palaisdaan o “fish ponds”. Isa pang dulot ng pamamalagi malapit sa katubigan ay ang paggamit ng mga sasakyang pantubig bilang pangunahing uri ng paglalakbay. Gayunpaman, dahil nga mayaman rin ang Pampanga sa kapatagan, nagagawa rin nilang magsaka partikular na ng mga pananim tulad ng tubo at palay.  
PANITIKAN
Noong mga panahong ito, mayroon ng iba’t ibang uri ng panitikan. Nariyan ang alamat, tumayla, bugtong, kuwentong bayan, salita, kasebian at awiting bayan.
Ang Alamat ng Sinukwan ay isa sa mga pinakatanyag ng Kapampangang alamat. Marami itong bersyon.  Ang tumayla o tumaila ay hele o awiting pampatulog . Ito ay maituturing na orihinal sa mga Kapampangan .
Ang bugtong ay kilala rin sa tawag na “Bugtoñgan”. Karaniwan itong binibigkas sa mga lamayan at kasal. Sinasambit din ito sa mga kritikal na panahon kung saan nangangailangan ng mabigat na pagpapasya. Halimbawa, ang pagsagot sa isang bugtong ay maaring maging pahiwatig ng magandang kahihinatnan ng isang pangyayari at mapagpalang kapalaran . Ang sa ibaba ay mga halimbawa ng bugtong:
Metung a butil a pale                                       (Isang butil ng bigas
Sakup ne ing mabilug a bale                         Sakop ang buong bahay.)

Sagot: Sulu                                                                          Lampara
 Salita naman ang tawag sa anumang panitikan na nakasulat sa tuluyan.
Tulad ng bugtong, ang kasebian o casebian  ay binibigkas din sa mga pampublikong salu-salo tulad ng lamay at kasal. Ito ang katumbas ng salawikain ng mga Tagalog. Isang halimbawa nito ay ang sa ibaba:
Ing asung balabaluktut
Butul man e akapulut
(Isang asong nakabaluktot buong araw
  Hindi makahahanap ng buto)
Ayon kay Alejandro Q. Perez, maaring hatiin ang awiting bayan ng Kapampangan sa maraming uri . Ang una ay ang basulto o basultu na karaniwang inaawit ng mga pastol sa bukid . Maari rin itong awitin habang isinasayaw . Ito ay pataludtod. Nang lumaon, naging isa na rin itong kompetisyon tuwing pista na sinasabayan ng musika at pagsayaw . Mga halimbawa nito ay may mga pamagat na  “O Caca, O Caca”(O Brother, O Brother), “Tinanam Kung Kamantigi”, “Karin Pu Kekami” at “Puntung Biabas” .
Pangalawa ay ang pamuri. Ito ay mula sa salitang “buri” na ang ibig sabihin ay gusto. Ito ay isang awit ng pag-big o “love song”. Ang “Aruy! Katimyas na Nitang Dalaga” (Ay! Kaakit-akit ang Naturang Dalaga) at “Atsing Neneng” ay mga halimbawa nito. 
Ang pangatlong uri ay ang pang-obra. Ito ay isang awit sa pagtatrabaho. Mga halimbawa nito ay ang “Bye Ning Kasamak” (Ang Buhay ng Magsasaka) at “Deting Tatanam Pale” (Itong mga Taong Nagtatanim ng palay). Sa mga nabanggit na halimbawa masisilayan ang panitikan bilang salamin ng pamumuhay ng mga tao – hanapbuhay sa kaso nito.
Ang pang-apat ay ang paninta na mula sa salitang “sinta” na ang ibig sabihin ay minamahal o pag-ibig. Kung ang pamuri ay para sa isang taong minamahal sa romantikong paraan, ang paninta naman ay para sa pamilya at kaibigan. Ang mga pamagat na “Ecu Pa Kelingwan” (Hindi Ako Nakalimot), “Ing Dalumdum ning Bengi” (Ang Kadiliman ng Gabi) at “Atin Ku Pung Singsing (Mayroon Akong Singsing) ay mga halimbawa nito . Ang huli ay kinakanta at itinuturo pa rin sa mga paaralan magpahanggang ngayon .
Panglima ay ang karagatan o caragatan.  Ito ay isang patulang larong ginagawa tuwing may lamay. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtatanong at pagsasagot gamit ang tula.
Pang-anim ay ang diparan. Ito ay tulad ng sawikain ngunit inaawit. Ang pangpito ay ang bulaklakan na isa ring paligsahan gamit ang pagtula kung saan may dalawang grupo – isa ng mga lalaki at isa rin na mga babae. 
Ang pag-awit ng gawang pampanitikan at pagkakaroon ng tugma ay ang dalawang pangunahing katangian ng panitikang Kapampangan bago dumating ang mga mananakop. Ang tugma ay isang representasyon ng umiiral na kaayusan sa kapaligiran at buhay ng tao. Samakatuwid, para sa mga Kapampangan noong panahong yaon, ang pag-alis ng tugma ay katumbas ng pagsuway sa natural na daloy o galaw ng buhay .
Sinasabi na unti-unting naglaho ang pagbigkas ng bugtong, kasebian, kuwentong-bayan at awiting-bayan nang ang paglalakbay sa gabi ay mas naging peligro dulot marahil ng pagdami ng mga masasamang loob.
Sa mga nabanggit na anyo ng panitikan, makikita na ang panitikan ay isang natural na bahagi ng pamumuhay ng mga Kapampangan. Ang panitikan ay hindi isang bagay na ginagamit at nililikha lamang ng mga intelekwal sa paaralan o unibersidad kundi isang elemento na nakatahi sa iba’t ibang gawain ng tao – sa lamay, pagtatrabaho, panliligaw, pagkikipagkapwa, at iba pa. Bukod pa rito, ang panitikan ay nagsisilbing paliwanag at paglilinaw ng iba’t ibang tradisyon. Halimbawa, ang pagbigkas ng bugtong sa mga lamayan ay isang pahiwatig na para sa mga Kapampangan, ang okasyong ito ay isang masayang pagkakataon , isang pagtingin na maaring taliwas sa paniniwala ng ibang grupo ng tao.
Makikita sa mga sinaunang anyo ng panitikang Kapampangan ang kalikasan bilang pangunahing paksa o inspirasyon. Sinasalamin nito ang kaisipang nagpapahayag na ang lahat ay bahagi ng kalikasan . Mapagtatanto rin na ang sinaunang panitikan ay isang paraan upang maipaliwanag ang mga hindi maipaliwanag na lubos na maaaninag sa mga alamat .
Ang heograpiya rin ay may malaking papel sa paghubog ng sinaung Panitikang Kapampangan. Mapapansin na ang Bundok Arayat o kilala rin sa tawag na Bundok Alaya ay isang popular na paksa ng mga gawang pampanitikan. Dulot ito marahil ng katotohanan na tanaw ang naturang bundok sa 22 bayan ng lalawigan .

PANANAKOP NG MGA ESPAÑOL
Taong 1571 nang mapasailalim sa mga Español ang Pampanga sa pamumuno ni Martin de Goiti  at nang ito ay maging lalawigan o alcaldia. Naganap ito matapos matalo si Raja Soliman ng Tondo .
Sa maraming pagkakataon, makikita ang mapayapang pakikipag-ugnayan ng mga Kapampangan sa mga Español. Taong 1574 nang mangyari ang pag-aalsa ni Lumahong, na isang piratang Tsino. Dito, nasaksihan ang paglaban ng mga Kapampangan sa panig ng mga Español. Noong 1603 naman, tuluyang naging bahagi na ng sandatahang lakas ng mga Español ang mga Kapampangan. Ang katapatan ng mga kawal na Kapampangan ay ilang beses na napatunayan sa maraming pagkakataong lumusob ang iba pang banyagang mananakop sa bansa.  Siyempre, hindi maaring kalimutan ang mga kawal na Macabebe na kilala sa pagiging tapat nila sa mga Español .
Mabilis na lumaganap ang relihiyong Katolisismo sa Pampanga. Dumating ang mga prayleng Agustino sa lalawigan noong 1597. Taong 1600 pa lamang ay mayroon ng 15 kumbento at 1 kolehiyo royal (o royal college) ng mga Heswita ang naitayo dito. Pagdating ng 1650, niyakap na ng karamihan ang Katolisismo.  Sumunod dito ang malawakang hispanisasyon ng mga Kapampangan.
Sa kabila ng kakikitaang katapatan ng mga Kapampangan sa mga Español, maraming pagkakataon din na sila ay nag-alsa. Taong 1571 nang maganap ang kauna-unahang pag-aalsa ng mga Kapampangan. Sa katunayan, sila ang pinakaunang grupo na sumubok na mapalaya ang kanilang mga sarili sa ilalim ng pamamahala ni Gobernador Heneral Don Sabiniano Manrique de Lara . Noong 1583, pumotok ang pag-aalsa nang tumindi ang kahirapan ng mga Kapampangan dulot ng sapilitang pagtatrabaho at kagutuman . Noong 1660, naganap ang isa na namang pag-aalsa sa pamumuno ni Francisco Maniago na umabot hanggang 1896. Tulad ng una, may pang-ekonomiyang katangian din ang naging dahilan ng rebelyong ito. Sinasabi na ang pangunahing bagay na nagdulot nito ay ang sapilitang pagputol ng mga troso sa Pampanga at ang malaking pagkakautang ng mga Español dulot ng pagbili nila ng palay na mula sa lalawigan.  Ang kauna-unahang kuta ng Katipunan sa Pampanga ay itinatag noong Agosto 1897 . Mula 1896 hanggang 1898, nakipag-alyansa na ang ilang Kapampangan sa iba pang Pilipino. Sa lahat-lahat, naganap ang mga pag-aalasa ng mga Kapampangan sa mga sumusunod na mga taon: 1571, 1585, 1645, 1660-61 at 1898 .
Dahil sa kalapitan ng Pampanga, dito karaniwan kinukuha ang mga sangkap na materyal na kinakailangan ng Maynila . Taong 1790 nang buksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan. Dahil dito, lumaganap ang pagtatanim ng tubo sa Pampanga na isa sa mga “cash-crop” ng Pilipinas noong panahong yaon .
PANITIKAN
Bukod pa sa ilang uri ng awiting-bayan na mayroon na ang mga Kapampangan bago pa man dumating ang mga Español, nalikha pa ang ilang uri ng awiting-bayan. Isa dito ay tinatawag na “goso”. Ito ay inaawit kasabay ng biyolin at tamburin tuwing gabi bago ang araw ng Todos Los Santos (All Saint’s Day). Ito ay nagtataglay ng tiyak na aral sa buhay at mabagal na tempo.  Ang sa ibaba ay isang halimbawa nito:
Apu kung makibale                         O grandowner of the house
Maki manuk lalam bale  With a hen under your dwelling
Buri ke sang pakisabi      I request that tonight I shall get it
Daunan ke potang bengi.                               To offer fro All Soul’s Day.

E mu ne sa daraunan                      Please don’t offer
Ing manuk kung pakamalan        The hen that I dearly love
Seli ke pang aduang dalan            I have just bought it for two hundred pesos
Kang Marianung baritaklan.         From worthless Mariano.
Nariyan din ang duplo na isang ring uri ng awiting-bayan. Ito ay maaring iugat sa mga Español. Ang duplo ay isang patulang laro. Ito ay tagisan ng galing sa pagpapahayag sa pamamagitan ng tula at kaalaman sa mga bagay na napapatungkol sa kultura. 
Isa pa ay ang sapatya. Ang pangalan nito ay mula sa salitang “tapatio” na tumutukoy sa isang Mehikanong sayaw. Ito ay isinasayaw habang inaawit . Ito rin ay tagisan sa pagtula. 
Lumaganap din ang panitikang kurido o corrido na nagmula sa corrido ng mga Español. Nagsimula ang anyong ito sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga corrido ng Español sa Kapampangan.  Ang mga corrido ay hango sa mga banyagang alamat at tula. Hindi ito inaawit o sinasayaw . Nakatanggap ng labis na kritisismo ang anyong ito sapagkat ito raw ay pawang panggagaya lamang ng mga banyagang akda.  Gayunpaman, sinasabi na mas malaki ang naging impluwensiya nito sa mga tao kaysa sa mga akdang panrelihiyon . Halimbawa nito ay ang mga akdang “Conde Irlos” at “Aring Palmarin”.
Ang panahon sa pagitan ng ika-17 at ika-18 na siglo ay kilala sa tawag na Panahon ng Liriko . Sa panahong ito higit na naging talamak ang panggagaya ng istilo at damdamin mula sa panitikan ng ibang kultura. Dito, nagkaroon ng napakaraming pagsasalin at adaptasyon . Isang napakahalagang halimbawa ng adaptasyon ay ang “Mga Kuwento ni Juan”. Maraming pinasimulan ang akdang ito. Una, ito ang nagpasimula ng paggamit ng lokal na lugar o eksena sa isang anyong pampanitikan matapos itong makalimutan ng mga Kapampangang manunulat mula noong napasailalim sila sa mga Español . Dito rin maiuugat ang simula ng maikling kuwento sa Kapampangan. Ito ay bukambibig lamang at hindi nakasulat.  Ang karaniwang tema nito ay ang ordinaryong pamumuhay ng isang tao sa Pilipinas .
Matapos ng mga kuwento ni Juan, namayagpag naman ang dulang moro-moro na tinatawag ding Cumidya o Kumidya. Ito ay nagmula sa kastilang “comedia”. Mula sa ordinaryong tema na makikita sa kuwento ni Juan, muling nagtungo sa likhang-isip ang panitikang Kapampangan.  Hindi ito nagustuhan ng mga intelektwal noong mga panahong yaon . Gayunpaman, masasabi na ito ang nagbigay-daan sa kauna-unahang Kapampangang pagtatanghal sa entablado . Ang moro-moro ay isang melodrama na kinatatampukan ng mga Muslim at Kristiyanong tauhan. Ito ay pataludtod at may musika.
Isa pang anyong pampanitikan ng nagmula sa corrido ay ang kuriru. Hango sa kastilang “corrido”. Mayroon itong 12 o mas mababa sa 12 pantig bawat linya. Isang halimbawa nito ay ang “Corrido King Bye nang Keralanan ning Prinsipe king Imperio Francia ila ning Princesa Adriana king Kayaria’ning Antioquia” (Corrido tungkol sa Buhay ni Prinsipe Felix ng Kaharian ng Espanya at ng Emperatris Valeriana ng Kaharian ng Persia).
Isa pang uri na panitikan noon ay ang pasion. Ito ay mula sa mga Español. Ito ay kilala rin sa tawag na “pabasa” . Isang akda ng pasion ang itinuturing na kauna-unahang gawang naisalin sa Kapampangan. Ang pagsasalin ito ay ginawa ni Rev. P. Banda.  Puni naman ang tawag kung ang pasion ay ginagawa bilang isang pampublikong aktibidad .
Mayroon ding tinatawag na cenaculo. Ito ay itinuturing na mas mahalaga kaysa sa moro-moro. Binibigyang diin nito ang makasaysayan at pangheograpiyang katotohan na taglay ng isang gawang pampanitikan. Ito ang nagbigay-daan sa pagkakalikha ng zarzuelas dahil sa makukulay na kasuotang ginagamit dito. Isa pang mahalagang palabas na kaugnay sa cenaculo ay ang salubong. Itinatampok nito ang kuwento ng pagkikita ni Kristo at ni Inang Maria matapos ang muling pagkabuhay ng una. Tulad ng cenaculo, ito rin ay makatotohanan. 
Nariyan din ang mga liham. Hindi ito isang talaarawan o talambuhay . Maraming uri ng Kapampangang liham subalit masasabi na hindi ito orihinal sa kanila .
Mula ika-18 at 19 na siglo laganap pa rin ang pagsasalin sa Kapampangan. Nangunguna rito ang pagsasalin ng mga akdang panrelihiyon na nakasulat sa Español o Latin . Ang pagsasalin ay karaniwang ginagawa ng mga edukadong taong layko. Ang mga produkto ng kanilang mga pagsasalin ay kilala sa pagiging tiyak at eksakto, at pagtataglay ng ganda at laman . Sa mga panahon ding ito, ang pagbabasa ay isang pangunahing libangan sa mga taong marunong nito .
Sumulpot din ang harana na pinaniniwalaang nagmula sa mga Español . Ito ay mga awit ng pag-ibig na kinakanta kasabay ng instrumentong pangmusika. Karaniwan, ito ay hango sa orihinal na komposisyon .
Mayroon ding tinatawag na dalit na tumutukoy sa mga pangkaraniwang awitin . Awit naman ang tawag sa isang metrikong akda na hango sa mga kabalyerong romansa ng mga Español . Mga halimbawa nito ay ang “Kasulatang Gintu” at “Napun Ngeni at Bukas” (Kahapon, Ngayon at Bukas) ni A. Tolentino.
Ang kauna-unahang aklat na nakasulat sa Kapampangan ay nalimbag noong 1732 .
Kung sa kasalukuyan ay may nagaganap ng paghahalo ng wikang Tagalog at Ingles sa isang akda na tinatawag na Taglish, nagkaroon din ng paghahalo ng Kapampangan at Español sa isang gawa . Gayundin naman, kung may carillo ang mga Tagalog, mayroon namang potei o kikimut ang mga Kapampangan. Ito ay isang dulang gumagamit ng anino ng mga tauhang kahoy (“shadow play”). 
Ang bayan ng Bacolor ang itinuturing na Athens ng Pampanga noong mga panahong ito. Ito rin ang sentro ng lalawigan hanggang 1903.

REBOLUSYON AT PANAHON NG MGA AMERIKANO
UNANG GRUPO NG MGA MANUNULAT
Masasabi na nagsimula lamang ang pag-usbong ng patriotismo sa Pampanga 20 taon lamang bagong naganap ang rebolusyon ng 1896 .
Ang unang kuwarto ng ika-20 siglo ang tinaguriang Ginintuang Panahon ng Panitikang Kapampangan . Sa panahong ito sumikat ang zarzuela. Ito ay isang dulang inaawit na may halong diyalogo. Dinala ito ni Alejandro Cubero sa Pampanga mula sa España noong 1880 .  Noong una, tinanggihan ito ng mga Kapampangan dulot ng pagnanais ng mga bagay na katutubo o filipinisasyon . Subalit, nang lumaon ay lumaganap din ito at pagdating ng 1902, halos lahat na ng bayan sa Pampanga ay may lokal na grupong nagpapalabas ng zarzuela. Seteyembre 13, 1900 nang ipalabas ang kauna-unahang zarzuela sa wikang Kapampangan – “Alang Dios”. 
Inilalarawan ang panahong ito bilang bago, malikhain at orihinal. Binansagan ito bilang Panahon ng mga Dramang Kapampangan. Dito sa unang pagkakataon, lumabas ang mga musikal na komedya at trahedya. Ang kauna-unahang gawang komedya ay isinulat ni Mariano Proceso Pabalan-Byron.  Ang drama ay naging behikulo ng makabayang mensahe at kaisipan .
Ang mga kilalang manunulat sa panahong ito ay sina J.C. Soto, M.P. Byron, F.N. Galura, lahat ay mula sa bayan ng Bacolor. Subalit, si Fr. J.A. Fajardo ang itinuturing na tagapagpauna ng panahong ito.  
Sa pagitan ng mga taong 1907 at 1916 iniuugat ang simula ng peryodismo sa Pampanga. Ang mga kilalang peryodista noong mga panahong ito ay sina J.C. Soto, F.N. Galura, Liongson, A. Tolentino, Z. Hilario, P. Gozun at J.G. David. Ang kauna-unahang diyaryo ay nailimbag noong 1907 na may pangalan na “Ing Emañgabiran” sa ilalim ng patnugot na si V. Neri. Ang ilan pang pangalan ng mga diyaryong naitatag noon ay ang “Ing Balen” (Ang Bansa), “Ing Bandila”(Ang Bandila), “Ing Katimawan” (Kalayaan), “Ing Alipatpat” (Ang Alitaptap), “Ing Catala” (Ang Loro) at “Ing Katiwala”. Ang dalawang naunang pamagat ay tumutukoy sa mga diyaryong maituturing na pinakapampanitikan.  Ang mga Kapampangang diyaryo ay maaring isinulat sa Kapampangan o sa Español . Sa kasamaang palad, marami rito ang hindi masyado nagtagal.
PANGALAWANG GRUPO NG MGA MANUNULAT
Karamihan ng mga manunulat na kabilang sa grupong ito ay mula sa mga bayan Sexmoan at Guagua tulad nina Jacinto at Aurelio Tolentino,F. Simpao, at M. Mercado. May ilan din namang nagmula sa bayan ng Bacolor gaya nina Jose Gutierrez David, Eduardo Gutierrez David, Z. Hilario, I. Gomez, at E. Joven na namayagpag noong 1910 – 1930. Sina Brigido Sibug, F. Bautista, Urbano Macapagal, S. Navarro Jr., C. Gwekoh, Agustin Bustos-Zabala, C. Pineda, at E. Cunanan  ay maibibilang din sa grupong ito .
PANGATLONG GRUPO NG MGA MANUNULAT
Ang mga manunulat na kabilang dito ay nakilala noong dekada 1940. May mga manunula tulad nina Amado Yuzon, S. Punsalan, P. Macapagal, R. Reyes, B. Navarro, S. Tumang, F. de Castro, at R. Talavera at pati na rin mga manunulat ng zarzuela gaya nina J. Yonzon, B. Talao, S. Talao, at J. Gallardo. Kaiba ng dalawang naunang grupo, mula sa iba’t ibang bayan ang mga manunulat dito.
Mula 1921 hanggang 1941, itinuturing na buhay na buhay ang panitikang Kapampangan. Ang karaniwang tema ng mga seryosong manunulat sa panahong ito ay patriotismo. Ang Magalang at Bacolor ay kilala bilang mga bayan kung saan masigla ang panitikan. 
Maraming mga nobela at maikling kuwento ay nalikha sa panahong ito . Sa maikling kuwento, nangunguna diyan si J.F. Sanchez. Mayroon ding mga sanaysay kung saan tanyag naman si S. M. Punsalan. 
Mula 1942  hanggang 1982, kapansin-pansin ang pagkawala ang mga lirikong tula. Sa panahon ding ito, ang zarzuela ay higit na itinuring bilang isang anyo ng libangan. 
Noong 1924, nagkaroon ng maraming welga sa Pampanga nang magkaroon ng alitan sa pagitan ng mga may-aring lupa at mga kasama. Naitayo din ang Aguman ding Maldang Talapagobra (AMT) na isang sosyalistang samahan. Nagkaroon din ng HUKBALAHAP
Malaki ang naging dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagkaroon ng paglipat ng wika ng panitikan mula sa Kapampangan at Español patungo sa Ingles.  Dito rin napansin ang pag-unti ng mga taong nagbabasa. Sa kabila ng katamlayang ipinamalas sa huling mga dekada, ang mga taong 1977 hanggang 1979 ay kinakitaan ng muling pagkabuhay sa Panitikang Kapampangan. 
Noong 1978, itinatatag ang Don Gonzalo Puyat Memorial Awards, isang parangal para sa mga natatanging gawang pampanitikan sa Kapampangan. Ito ay isang taunang parangal. 
May ilan ding samahang pampanitikan ang naitatag ng mga Kapampangang manunulat. Noong 1964, naitayo ang Aguman Ding Talasulat Kapampangan o AGTAKA . Mula noong 1921 hanggang 1941maraming mga panulaang samahan din ang napasiyanan tulad ng “Munag-Munag” (Bukang-liwayway), “Tagimpan Ning Talasulat” (Panaginip ng Manunulat), “Sulu at Panyulat” (Liwanag at Panulat) – ang mga nabanggit ay nakabase sa Magalang, Pampanga – “Aslag” (Sinag ng Araw) at “Lira Pampangueña” (Kapampangang Lira) – na nakabase naman sa Tarlac. Nariyan din ang “Akademya ning Amanung Kapampangan” (Academia Pampangueña de Artes y Letra)