| Maraming  pagdiriwang sa loob ng isang taon. Ang mga pagdiriwang sa Pilipinas ay mga pambansang  pagdiriwang,  mga  pansibikong pagdiriwang at mga  pagdiriwang na panrelihiyon.     Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong napakahalaga sa kasaysayan at  lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't  tinatawag itong pambansang pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o  walang pasok sa mga opisina at paaralan ang mga pambasang pagdiriwang. Tuwing  unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito  bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at  nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay  pa sila nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family  reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya. Makaysaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw  na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa  rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong  Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame.  Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itong Rebolusyong EDSA o EDSA Revolution.  Tinatawag din itong People's Power Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at  Rebolusyon ng Pebrero.  Ang  krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga  matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang  Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito. Ginugunita ng bansa  ang Araw ng Kagitingan tuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang  pakakaisa laban sa mga dayuhan. Ipinagdiriwang tuwing  Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa  pagtugon sa ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain  araw-araw, maayos na tirahan, iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay. Timaura ni Antipas  Delotavo,  1991  Tuwing Hunyo  12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw  ng Kalayaan mula sa España. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani. Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park.  Marami pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na  ito. Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.   Imaginary Patriot ni Benedicto  Cabrera,  1975 Ang  Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang  mga Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mga palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga nagawa ng mga bayani para sa  kalayaan at kapakanan ng bansa.  May iba  pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang mga pansibikong  pagdiriwang. Isinasagawa ang mga ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Ipinakikita  rito ang mga katangian at ilang kaugalian ng mga Pilipino. Di tulad ng mga  pambansang pagdiriwang na idinideklarang pista opisyal, ang mga pangsibikong  pagdiriwang ay karaniwang idinaraos nang may pasok din sa opisina at paaralan sa buong  bansa. Gayunman, may ilang lugar na nagdedeklarang walang pasok gaya ng Lungsod  Quezon kapag nagdiriwang ng pakakatatag nito tuwing Agosto 19. Araw ng mga Puso Tuwing  ika-14 ng Pebrero ito. Ipinakikita natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano  natin sila inaalala. Ipinakikita rin natin ang kahalagahan nila. Marami tayong  ginagawang paraan upang ipakita ang ating pagmamahal. Nagkakaisa tayo sa pagdaraos  ng pagdiriwang na ito. Nagbibigayn tao ng kard o anumang alaala sa araw na  ito.  Linggo ng  Pag-iwas sa Sunog Ipinagdiriwang  ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa buwan ng Mayo. Binibigyang-diin ang mga  paraan kung paano tayo mag-iingat sa sunog. Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa  sunog. Natututuhan pa natin ang nararapat na gagawin kung may sunog. Kapag may  sunog sa ating lugar, nagtutulungan tayo upang mapatay ito. May mga programa pa  ang mga barangay na nagpapakita ng mga paraan ng pag-iwas sa sunog.  Mga  pagdiriwang na pansibiko ang Araw ng mga Ina at Araw ng mga Ama. Tuwing ikalawang  Linggo ng Mayo ang pagdiriwang para sa mga ina at tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo  ang sa mga ama. Ginugunita natin sa mga araw na ito ang kabutihan ng ating ina  at ama.  Linggo ng  Wika Marami  paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga patimpalak sa pagtula,  pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino. Karaniwang ipinagdiriwang  ito sa ika-19 ng Agosto. Ito ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang  Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal sa ating wika. Pinahahalagahan at  pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa paggamit ng Filipino sa  pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan.   Araw ng mga Nagkakaisang Bansa Pagsapit naman  ng Oktubre  24, ipinagdiriwang ang Araw ng mga Nagkakaisang Bansa. Ipinakikita ng  pagdiriwang na ito ang ang pakikipagkaibigan natin sa iba't ibang bansa  sa buong  mundo. Pagkakabuklud-buklod ang simbolo nito. Ang Samahan ng mga  Nagkakaisang  Bansa ang nagbubuklod upang lubos na magkaunawaan at magkaisa ang mga  bansa.  Pagtutulungan ang isa pang layon nito. May mga palatuntunan din  inihahanda rito.  Hindi lamang sa paaralan kundi pati na sa telebisyon at radyo.  Ito ang araw na  ginugunita  ng mga Pilipino ang kahalagahan ng mag-anak at ang pagmamahalan at  pagkakaisa ng  bawat kasapi nito.   Araw ng mga Guro Iba-iba ang  buwan ng  pagdiriwang  nito. Dito naman pinahahalagahan ang kabutihan ginagawa sa  atin ng mga guro.  Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod Quezon Ginugunita rin  ng mga  Pilipino ang kanilang lungsod o bayan. Nagkakaiba-iba ng lamang ito ng  petsa  ayon sa bayani o natatanging Pilipinong ginugunita. Tuwing Hunyo 24 ang  Araw ng  Maynila. Ika -19 naman ng Agosto ang Araw ng Lungsod Quezon. Balik  sa simula Marami   pagdiriwang na panrelihiyon sa Pilipinas. Isinasagawa rin ito sa iba't  ibang  buwan sa buong taon. Makikita rito ang mga kaugalian at katangiang  Pilipino Mahalaga  para  sa mga kapatid nating Kristiyano ang pagdiriwang ng Kapaskuhan tuwing  ika-25 ng  Disyembre. Araw ito ng paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang Anak ng  Diyos ng mga  Kristiyano. Misa de gallo o simbang-gabi ang hudyat ng pagdiriwang ng  Kapaskuhan.  Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre. Ang misa de gallo ang  magkakasunod na  siyam na simbang-gabi hanggang sumapit ang araw ng Pasko. Nagkakaisa ang  mga  Pilipino sa pagdiriwang nito. Marami ang dumadalo sa misang ito.  Sama-samang  nagsisimba ang mag-anak dito.  Pagmamahal  sa  bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin tuwing sasapit ang Pasko.  Isang  araw rin ito para sa mga mahal sa buhay - mga kamag-anak at mga kaibigan  - at  pati na rin ng mga kaaway. Kailangang maghatid ang bawat Kristiyanong  Pilipino  ng kapayapaan hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin sa buong  mundo. Kung  kaya't dapat tandaan na ang mensahe ng Pasko ay pagmamahal at  kapayapaan. Tanda  rin ito ng pagkakabuklod ng mga mag-anak. Nagsasama-sama rito o  nagkakaroon ng  reunion ang mga kasapi ng mag-anak. Isa  pang  napakagandang pagdiriwang kung Pasko ang parada ng makukulay at maiilaw  na parol  na yari sa San Fernando, Pampanga. Dinarayo ng mga turista ang paradang  ito.   Ati-atihan Ito  ay  pagdiriwang sa Kalibo, Aklan. Tatlong araw ito ng pag-awit at pagsayaw  sa mga  daan. Nagpaphid ng uling o anumang itim na pangkulay sa buong katawan  ang mga  sumasali sa parada. Nagsusuot pa sila ng makukulay na kasuotan habang  nagsasayaw  sa saliw ng tugtog ng mga tambol sa kalsada. Hawak ang imahen ng Santo  Niño ng  isang ati habang sumsayaw. Sumisigaw naman ng "viva" ang iba sa kanilang   pagsasayaw. "Mahabang buhay' ang kahulugan ng salitang viva.  Isang   napakahalaga at natatanging tradisyon ito ng mga Katolikong Pilipino.  Nagkakaisa  ang ito sa pagdaraos nito. Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo,  kapilya,  at pati na sa mga tahanan na ikinukuwento ang buhay ni Cristo.  Penitensiya naman  ang tawag sa ginagawa ng mga Pilipinong nagpapasakit o namamanata tuwing  Mahal  na Araw, Kanilang pinahihirapan at pinarurusahan ang sarili Isang   tradisyon din ito. Pinararangalan dito ang santo ng mga magsasaka na si  San  Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-Quezon ng mga  produktong-bukid at katutubong pagkain sa pintuan at mga bintana ng  kanilang  bahay.   Isang  Bahagi  ng pagdiriwang ng San Isidro ang pagbasbas sa mga kalabaw. Ipinaparada  ng mga  magsasaka ang kani-kanilang mga kalabaw patungo sa simbahan upang  mabasbasan ng  pari. Naniniwala sila na malalayo sila at ang kanilang mga kalabaw sa  mga sakit  at aksidente sa pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na  kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo.  Ito  ang isa pa  ring kasayahan. Ang santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang  prusisyon ito na  nagpapakita at isinasadula ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na  Krus.  Maraming naggagandahang kababaihan sa prusisyong ito na kumakatawan kay  Birheng  Maria at iba pang mga babaing tauhan sa Bibliya at mga akadang kaugnay  nito.  Isang   kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa Lungsod ng Naga,  Araw ng mga Patay o  Todos los Santos Ipinagdiriwang   ito tuwing unang araw ng Nobyembre. Ginugunita at pinararangalan ang mga  namatay  na kamag-anak sa araw na ito. Karaniwang nagtutungo ang mga Pilipino sa  sementeryo upang magsindi ng mga kandila, mag-alay ng mga bulaklak at  pagkain,  at magdasal para sa namatay na mga mahal sa buhay. Nagkakaisa rin ang  mga  Pilipino sa pagsasagawa ng mga kaugaliang ito.   Ramadan Isang  buwang  pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na Muslim sa Timog tuwing Marso  hanggang  Abril. Sama-sama at nagkakaisa rin sila sa pagdiriwang ng okasyong ito.  Mahalagang pagdiriwang ito sa kanila. Idinaraos ang kaugalian at  tradisyong ito  ng mga tagasunod ng Islam sa buong mundo. Nagsusuot ng mahabang belo sa  kanilang  mukha ang mga babaing Muslim kapag nagtutungo sila sa kanilang mosque.  Nangingilin or nag-aayuno ang lahat ng mga Muslim sa mga pagdiriwang na  tulad  nito. Nagdarasal sila kay Allah na kanilang Panginoon. Ginugunita nila  ang  pakakahayag o rebelasyon ng Koran kay Mohammmed, ang propeta ng Islam.  Nagbabasa  pa sila ng Koran. Ang Koran ay banal na aklat ng mga Muslim.  Hari Raya Puasa Pagkatapos  ng  Ramadan, ipinagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim ang Hari Raya  Puasa. Isa  itong pasasalamat nila. Nagsisimula at ginigising sila ng malalakas na  ingay ng  mga tambol. Agad silang nagbibihis ng kanilang magagarang kasuotan at  nagtutungo  sa mosque. Nagdarasal sila ng isang oras. Imam ang tawag sa kanilang  pari.Mula  sa Librong Bayanihan 2 ni Priscila B. Dizon Maikling Pagsasanay: A. Sabihin kung ano ang inilalarawang pagdiriwang: 1. Ito ang pinakamahalagang pagdiriwang ng mga Muslim. 2. Ipinaparada ng magbubukid ang kanilang mga kalabaw sa daan patungo sa simbahan. 3. Magagandang dalaga ang mga kasapi sa prusisyong ito. 4. Nakasuot ng sundalong Romano ang mga namamantang kalalakihan sa pagdiriwang na ito sa Marinduque. 5. Isang makulay na pagdiriwang ito kung saan nagsasayaw at umaawit sa daan ang mga kasapi. B. Sabihin kung kailan ipinagdiriwang ang mga sumusunod na okasyon: 1. Linggo ng Wika 2. Araw ng Maynila 3. Araw ng Kagitingan 4. Araw ng mga Bayani 5. Pista ng Peñafrancia | 
Lunes, Nobyembre 21, 2011
Assignment ko sa Filipino 20 ( Mga Pagdiriwang sa Pilipinas
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
 
 
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento